Ano ang hazard map? Ang hazard map ay mapang nagpapakita ng tinatasang sakop ng pinsala dulot ng likas na sakuna (malakas na pag-ulan, pagbaha, sakuna

Similar documents
タスケ三兄弟 さいがい災害ってなに? この資料は財団法人自治体国際化協会の助成により作成されています

Talaan ng Nilalaman LINDOL 4 1 Ano ba ang Lindol? 4 2 Ano ang mga dapat gawin sakaling lumindol? 5 Malakas na ulan. Baha.Pagguho ng lupa 8 1 Malakas n

卒論 _ _ 初田真里恵.indd /03/04 9:38

untitled

Ano ang sakunang nukleyar? Bakit sa lalawigan ng Shiga, kailangan ng patakaran para sa sakunang nukleyar? Sa rehiyon ng Wakasa na malapit sa lalawigan

防災ガイド-比日版_CC2015.indd

h45-3 結核の正しい理解と予防のために (フィリピノ語)

Pangmadaliang Pagsisiyasat Para sa Medikasyon! 発熱 Mataas na lagnat 救急チェックリスト! 一つでもチェックがあればすぐに病院へいきましょう! Kapag ang sintomas ng anak ay nahahalintulad s

1. Bakit Mahalaga ang Kaligtasan sa Trabaho? だいあんぜんさ第 1 安全作業 ぎょうは何 なんひつようのために必要か? Pangangailangan sa ligtas na pagsasagawa ng trabaho 1) Ang mapinsala

Para Technical Intern Trainee Isang Hakbang para sa mga Technical Intern Trainee tungkol sa Ligtas na Paghihinang

( 資料 1 事業案内 ) タガログ語 /Tagalog 赤ちゃんのいるご家庭を訪問しています Bisitasyon sa tahanang may sanggol. ご出産おめでとうございます 出産されたお母さんと赤ち ゃんの様子を知るために ご家庭を訪問しています Congratulations

平成22年3月  日

untitled

Petsa ng pagpasok Petsa ng paglabas Pagkapaso ng pahintulot sa muling pagpasok Sa Mga Banyagang Nasyonal na Aalis sa Japan nang may Pahintulot sa Muli

Ⅰ Mga paunawa tungkol sa iba't-ibang uri ng pag-aalaga ng hayop 1.Mga paunawa habang nagtatrabaho sa rantso 1. Ang mga pagatasang baka ay maaring mani

意識_タガログ.indd

ph_2nen_kanji_jiten.xls

名張青峰高等学校 こんな高校です! Ganito ang magiging paaralan ng bagong Nabari Seiho Koutou Gakko!! 大学 短期大学などへの進学を実現できる高校です Ito ay senior high school na makakapasok

2 KMC KaBAYAN MIGRANTS COMMUNITY SEPTEMBER 2015

技能実習生手帳 ( タガログ語版 ) Patnubay para sa mga Technical Intern Trainees (Tagalog) 氏名 / Pangalan 所有者 ( 技能実習生氏名 )/ May-ari (pangalan ng technical trainee) 監理団

しょうがっこう いちねん いちがっき 1 学 期 4 月 5 月 6 月 7 月 し ぎょう しき 始 業 式 SEREMONYA NG PAGSISIMULA NG TERM *3b-3 まず 1 学 期 1 学 期 は4 月 から7 月 までです 始 業 式 です 学 期 の 始 まりの 式 で

原稿p

外国人ハンドブック

Guidebook o mga gabay ukol

2 KMC KaBAYAN MIGRANTS COMMUNITY january 2014

※ ここに書かれたことは、あなたの個人情報であり、あなたの許可なく、あなた以外の人に漏らされることはありません

Ito ay para sa mga dayuhang mga sa Aichi na nagpapalaki ng kanilang mga anak こそだがいこくじんあいちで子育てする外国人のみなさまへ Tungkol sa Iba t-ibang Kultura para sa Pangan

なんこう Pangalan ng produkto: ACTIVIR Ointment ( アクチビア軟膏 ) Pakibasa nang mabuti ang mga sumusunod na direksyon bago gamitin ang produktong ito. Buod ng p

Lagyan ng tsek ang naaayong mga sagot. Pangalan Kaarawan Tirahan INTERNAL MEDICINE taon buwan araw Lalaki Taon Telepono Tagalog Buwan Araw Babae Mayro

切り拓け私たちの未来(仮)

にんしん妊 緊急情報ガイドブック PANGUNAHING GABAY NA LIBRO PARA SA しゅっさん 娠 出産ガイド タガログ語 Pagdadalangtao / Panganganak にほんしゅっさんかんががいこくじん 日本で出産を考える外国人マまマたちへま Gabay para

2 KMC KaBAYAN MIGRANTS COMMUNITY September 2014

2 KMC KaBAYAN MIGRANTS COMMUNITY november 2014

< F2D A CC89CC2E6A7464>

生活ガイド_タガログ語_2018_A4_MK CS5.5J.indd

(

タガログ.indd

< F2D A D8CEA94C C5>

Taro-30-pilipino5.jtd


らいにち 来日したら ら い に ち 来日してからの にち い じょう に ほん たいざい かた こ う て き て つ づ き な あたら が 公的手続の流れ がいこくじんとうろく ざいりゅうかんりせいど がいこくじんじゅうみん 新しい在留管理制度および外国人住民の じゅうみんきほんだいちょうせい

< F2D B838B977082CC8EE88E862E6A7464>

Filipino Magasin sa pamumuhay せいかつじょうほう 生活情報 し誌 えぃあぃえぃ!!! Vol.10 Libra!! Maningning Contents P.1 Mga tao na nagniningning. P.2 Immigration office elec

2 KMC KaBAYAN MIGRANTS COMMUNITY AUGUST 2014

2 KMC KaBAYAN MIGRANTS COMMUNITY NOVEMBER 2015

2 KMC KaBAYAN MIGRANTS COMMUNITY february 2014

B-4-1 出産準備

にほんごふぃりぴんご日本語 / フィリピン語 ひなんじょかいわしーと避難所会話シート ふぃりぴんごフィリピン語 おおさかふせいさくきかくぶ 大阪府政策企画部 きき危機 かんりしつしょうぼうぼうさいか 管理室消防防災課 おおさかふふみんぶんかぶとしみりょくそうぞうきょくこくさいこうりゅうかんこうか大阪

KMC KaBAYAN MIGRANTS COMMUNITY october 014

フィリヒ ン語 ( タカ ロク 語 ) あいさつ 40 選 < 基本的な挨拶 > 1. Magandang araw / マガンダンアラウ / こんにちは Magandang tanghali / マガンダンタンハーリ / こんにちは Magandang hapon / マガンダンハーポン / こん

Transcription:

ふぃりぴのごフィリピノ語 Tagalog はざーどまっぷ かつようハザードマップを活用するために Upang magamit nang husto ang hazard map はざーどまっぷ いっしょほかん ~ハザードマップと一緒に保管してください~ ~ Ingatan at itago ito kasama ng hazard map ~ はざーどまっぷ ハザードマップとは Ano ang hazard map? まっぷ はんれい マップの凡例について Ukol sa leyende sa map ぼうさいさいがい 防災 災害について Ukol sa pag-iwas sa sakuna at sakuna ひごろぼうさいたいさくの防災 日頃対策 Karaniwang pagkilos upang makaiwas sa sakuna じしんさいがいについて 地震災害 Ukol sa sakuna ng lindol つなみ津波について Ukol sa tsunami どしゃさいがいについて 土砂災害 Ukol sa sakuna ng pagguho ng lupa すいがい水害について Ukol sa sakuna ng pagbaha タスケ三兄弟

Ano ang hazard map? Ang hazard map ay mapang nagpapakita ng tinatasang sakop ng pinsala dulot ng likas na sakuna (malakas na pag-ulan, pagbaha, sakuna ng pagguho ng lupa, pagtaas ng tubig sa dagat, tsunami, atbp). Nakasulat dito ang daanan ng paglisan, lugar ng paglisan at iba pang impormasyon. Ginawa ito ng lungsod at bayan upang tiyak at kaagad makalisan ang mga naninirahan (residente). Paggamit ng hazard map 1 Tiyakin ang sariling bahay 2 Tiyakin ang lugar ng paglisan Sa hazard map, makikitang bukod ang tanda at kulay tungkol sa likas na sakuna. Hanapin ang sariling bahay at tiyakin kung anong sakuna ang maaaring maging mapanganib. Kaugalian ang pagtiyak sa mapa kung saan ang malapit na lugar ng paglisan sa sariling bahay. 3 Magtipon sa bawat pook at mag-usap tungkol sa likas na sakuna at paraan ng paglisan Magsagawa ng pagpupulong sa pook upang mapag-usapan tungkol sa pag-iwas sa sakuna, at magpalitan ng kuro-kuro tungkol sa likas na sakunang katangi-tangi sa pook, mapanganib na kalsada sa oras ng sakuna at iba pa. 4 Pag-isipan ang sariling ruta sa paglisan Maglakad hanggang sa lugar ng paglisan, at tiyakin ang ligtas at madaling paglisanang daanan. Piliin ang kalsadang may palatandaan upang ligtas na makalisan kahit maglalakad sa gabi. 5 Tiyakin ang impormasyon sa panahon sa pamamagitan ng media 6 Ipaskil ang hazard map Bigyang-pansin ang impormasyon sa panahon mula sa TV, radyo atbp. sa oras ng bagyo o malakas na pag-ulan. Ipaskil ang mapang ito sa lugar na karaniwang tinitingnan, upang maisagawa nang maayos ang kusang aksyon sa pag-iwas sa sakuna kung kinakailangan.

Leyende sa map (kahulugan ng tanda at pagkakaiba ng kulay)

Ukol sa karaniwang pagkilos upang makaiwas sa sakuna Ugaliin ang pagpalagay ng iba t ibang maaaring mangyari at pag-isipan ang kilos upang mapangalagaan ang sarili sa lindol! Kung nasa bahay o pinagtatrabahuhan Pangalagaan ang ulo, at lumikas sa ligtas na lugar tulad ng ilalim ng matibay na mesa atbp. Kapag tumila ang pagyanig at ligtas na, isara ang balbula ng gas. Kung nasa pasilidad kung saan maraming tao Kumilos nang mahinahon, at huwag dali-daling tumakbo sa labasan. Sundin ang utos ng tauhan ng pasilidad. Kung nakasakay sa tren o bus Kung nakatayo, kumapit nang mahigpit sa hand strap o hand rail. Kung nakaupo, pangalagaan ang ulo at ibaba ang posisyon ng katawan. Sundin ang utos ng kawani ng tren o bus. Kung nasa labas ng gusali Mag-ingat sa pagbagsak ng blokeng dingding, vending machine atbp, at paghulog ng karatula, nabasag na salamin atbp. Pangalagaan ang ulo at lumisan sa matibay na gusali at iba pa. Kung nasa tabi ng dagat Lumayo sa tabi ng dagat. Kapag tumila ang pagyanig, lumisan sa ligtas na lugar. Kung nagmamaneho ng sasakyan Huwag apakan ang preno nang biglaan, kundi unti-unting bagalan ang takbo at huminto sa kaliwang gilid ng kalsada. Kung aalis sa sasakyan, iwang nakasaksak ang susi at huwag ikandado ang pinto.

Ukol sa karaniwang pagkilos upang makaiwas sa sakuna Kilos para sa Kaligtasan 1-2-3! Kapag may malaking lindol, pinakamahalaga sa lahat ang Pangalagaan ang sariling pangangatawan. Ang Kilos para sa Kaligtasan 1-2-3 ay kilos upang mapangalagaan ang katawan sa lindol. Hadlangan ang pagtumba ng mga kasangkapan sa bahay! Pag-usapan sa pamilya at katrabaho ang mapanganib na bagay ( gumalaw, matumba, lumipad, mahulog, mabasag ). Lagyan ng aparato, kawing o iba pa ang madaling matumbang kasangkapan sa bahay upang mahadlangan ang pagtumba nito. Magpasya ng paraan ng pakikipag-ugnayan! Magpasya ng paraan ng pagtiyak ng kaligtasan kapag mahirap makonekta sa telepono. (Disaster Emergency Message Dial, Disaster Voice Message Board atbp.)

Ukol sa karaniwang pagkilos upang makaiwas sa sakuna Pagpasyahan sa pamilya ang lugar ng paglisan! Tiyakin sa pamilya ang lugar ng paglisan at ligtas na daanan sa paglisan. Kumuha ng impormasyong kapaki-pakinabang sa pag-iwas sa sakuna! Tiyakin ang paraan ng pagkuha ng impormasyon sa pag-iwas sa sakuna tulad ng earthquake early warning, Hiroshima Prefecture disaster prevention website, email ng impormasyon sa pag-iwas sa sakuna at iba pa. Maghanda ng mga gamit na dadalhin para sa emergency at ilagay sa lugar upang agad itong mabibitbit! Maghanda ng emergency pack at ilagay sa lugar upang agad itong mabibitbit. Tingnan muli ang nilalaman nito 2 beses bawat taon. Listahan ng mga gamit na dadalhin sa emergency (halimbawa) Tubig na maiinom Shirt / Sweater Tissue Insurance Card Pagkain ng pamilya para sa 3 araw Flashlight Tuwalya Cash First-aid kit Radyo Kandila Bankbook Reserbang gamot Ekstrang baterya Posporo Tatak (inkan) Panloob / Medyas Guwantes (gunte)

Ukol sa sakuna ng lindol Lindol! Kumilos nang hindi natataranta at hindi nag-iingay! Kapag nagkalindol, mahalaga ang hindi mataranta at hindi mag-ingay. Kaugaliang magsanay kung paano mabuting kumilos kapag nagkalindol upang mapangalagaan ang pamilya at ari-arian. Grado ng Sidhi ng Lindol Antas ng Yanig 0 Hindi nararamdaman ng tao ang yanig. 1 2 3 4 mahina sa 5 malakas sa 5 mahina sa 6 malakas sa 6 7 Makakaramdam ng kaunting yanig ang ilang taong nasa loob ng gusali. Makakaramdam ng yanig ang karamihan ng taong nasa loob ng gusali, at uuga nang bahagya ang ilaw at iba pang nakabiting gamit. Makakaramdam ng yanig ang halos lahat ng taong nasa loob ng gusali. Maaaring marinig ang tunog ng mga kagamitang pangkaing nasa aparador ng mga pinggan. Nakakatakot, malakas ang pag-uga ng nakabiting gamit, maririnig ang tunog ng mga kagamitang pangkaing nasa aparador ng mga pinggan, maaaring matumba ang palamuting hindi suportado. Aasikasuhin ng maraming tao ang sariling kaligtasan. Maraming palamuting hindi suportado ang matutumba, mababasag ang salamin ng bintana at maaari itong mahulog. Makakaramdam ng matinding takot. Maaaring mahulog ang TV mula sa patungan. Maraming blokeng dingding ang guguho. Maraming puntod ang matutumba. Sa maraming gusali, masisira at babagsak ang tisa sa dingding at salamin ng bintana. Mayroong magigibang gawa sa kahoy na bahay na mahina ang resistensya sa lindol. Maaaring magkaroon ng pagkabiyak sa lupa, pagguho ng bundok at iba pa. Sa karamihan ng gusali, masisira at babagsak ang tisa sa dingding at salamin ng bintana. Mayroong magigibang gawa sa reinforced concrete na bahay na mahina ang resistensya sa lindol. Maaaring magkaroon ng pagkabiyak sa lupa, pagguho ng bundok at iba pa. Mayroong mapapahilig at lubhang masisira maging sa gusaling malakas ang resistensya sa lindol. Magkakaroon ng malaking pagkabiyak sa lupa, pagguho ng lupa at pagguho ng bundok, at maaaring mabago ang anyo ng kalupaan.

Ukol sa sakuna ng lindol Lindol! Kung nasa loob ng gusali Kapag nagkalindol, maaaring mabasag ang salamin ng bintana, mahuhulog ang bubong, matutumba ang blokeng dingding. Pangalagaan ang ulo gamit ang bag o libro. Kung nasa labas, lumikas sa malapit na mukhang matibay na gusali o malawak na parke at hintaying tumila ang lindol. PANUTO Kung nasa tindahan, lumisan nang sinusunod ang sinasabi ng tauhang namamahala. Sa underground mall, may labasan sa bawat pagitang 60 metro pababa, at sisindi ang ilaw panggabay kahit mawalan ng kuryente, kaya t sundin ang tauhang namamahala sa paglisan. Kung nasa sinehan, huwag kaagad sumugod palabas kundi dumapa sa pagitan ng silya at hintayin ang paggabay ng tauhang namamahala. Kung nasa platform ng estasyon ng tren, sumandal sa poste o dingding habang pinangangalagaan ang ulo. Kung nahulog mula sa platform, humingi ng tulong at magpahila pataas o dumipa sa pagitan ng riles at platform hanggang tumila ang pagyanig.

Ukol sa sakuna ng lindol Pag-uwi sa bahay mula sa malayong lugar Marahil mahihirapang umuwi sa bahay ang mga taong malayo ang eskwela o pinagtatrabahuhan mula sa bahay. Isaisip ang ganito at pag-isipan nang mabuti kung saan ligtas na manatili. Tiyakin kung ligtas ba kung uuwi sa bahay. PANUTO Huwag mataranta at kumilos nang mahinahon. Kumuha ng impormasyon mula sa radyo at tao sa paligid. Maghanda ng matamis (chocolate, caramel atbp). Kapag nalaman kung nasaan ang pamilya at ligtas sila, huwag piliting umuwi ng bata, kundi magpasundo sa pamilya. Kapag uuwi sa bahay, sabihin sa pamilya at kaibigan ang daraanan sa pag-uwi.

Ukol sa tsunami Huwag magpawalang-bahala kahit pagkatapos ng lindol! Maaaring magkaroon ng tsunami Maaaring magkaroon ng tsunami pagkatapos ng lindol. Darating ang tsunami na mga simbilis ng jet plane, at susulong na simbilis ng bullet train (shinkansen). Kapag nagkalindol, lumayo agad sa dagat, at tumakas sa mataas na lugar. Maaaring mahuli kung titingnan ang tsunami. Mekanismo ng tsunami Nababatak at napapalihis ang gilid ng lupa dahil sa paggalaw ng sea plate. continental plate oceanic plate Kapag naging lubos ang pagkalihis, umuurong ito pabalik sa pinanggalingan at inaangat nito ang tubig-dagat. continental plate oceanic plate Kumakalat sa iba t ibang lugar ang naangat na tubig-dagat. Tungkol sa pagkalat, kapag malalim ang dagat, mabilis ang pagsulong patagilid at kapag mababaw naman ang dagat, mabagal ang pagsulong pataas. continental plate oceanic plate

Ukol sa sakuna ng pagguho ng lupa Kapag patuloy na umulan, kailangang mag-ingat sa sakuna ng pagguho ng lupa!! Sakuna ng pagguho ng lupa ang pagguho ng dalisdis, pagdulas at pagdausdos ng lupa, at pagdaloy pababa ng putik at bato.. Kapag nagpatuloy ang ulan, lumalambot ang lupa at malamang mangyari ang sakuna ng pagguho ng lupa. Ano ang pagguho ng dalisdis? Pagguho ng dalisdis ang tawag sa biglaang paglugso ng lupang lumambot dahil sa malakas na ulan o lindol. Maaaring umabot sa layong doble o triple ng taas ng dahilig ng gumuhong lupa. May mga 86,000 lugar sa buong bansa kung saan maaaring mangyari ang pagguho ng dalisdis. Napakarami nito kung ihahambing sa ibang mapanganib na lugar. Indikasyon ng Pagguho ng Dalisdis Kapag kalat-kalat na nahuhulog ang maliliit na bato mula sa dalisdis. Kapag tumutulo ang tubig mula sa dalisdis. Kapag lumitaw ang biyak o siwang sa dalisdis.

Ukol sa sakuna ng pagguho ng lupa Ano ang landslide? Landslide ang tawag sa paggalaw ng lupa sa marahang dahilig kapag tumagos ang ulan sa madulas na lupang parang luwad o clay. Nangyayari ito nang malawakan, at pagdaka natatabunan ang bahay, bukid at taniman, kalsada at iba pa. Sa simula, mga ilang milimetro sa 1 araw ang paggalaw nito at hindi halos makikita, ngunit maaaring bigla na lang pausad-usad na gumalaw ito nang ilang metro. At sa biglaang pagdaloy ng tubig sa ilog na hinarangan ng lupa mula sa landslide, marami itong sinisirang bagay sa ibaba ng ilog. Indikasyon ng Landslide Nagsimulang maging maputik ang tubig sa poso. Lumubog o umalsa ang bahagi ng lupa. Nagkabiyak sa lupa. Kapag biglang nagbago ang dami ng tubig sa batis o latian. Ano ang pagdaloy ng putik at bato? Pagdaloy ng tubig at bato ang tawag sa biglaang pagdaloy ng lupa, bato at iba pa mula sa ibabaw ng lambak o bundok dahil sa araw-araw na patuloy na ulan sa panahon ng tag-ulan o malakas na ulan ng bagyo. Madalas nangyayari ang sakuna ng pagguho ng lupa sa lugar kung saan may delta o ilog na mabilis ang agos, at sa tulin at lakas, sinisira nito ang maraming bagay. Indikasyon ng Pagdaloy ng Putik at Bato Kapag may dagundong ng bundok na tunog na parang umuungol ang buong bundok. Kapag may halong kahoy na lumulutang o may putik sa daloy ng ilog. Kapag kahit patuloy ang pag-ulan, nabawasan ang tubig sa ilog.

Ukol sa sakuna ng pagbaha Kailangang mag-ingat sa panahon ng bagyo!! Kapag bumuhos ang malakas na ulan, maraming tubig ang aagos sa ilog. Kapag masyadong marami ang tubig, nasisira ang dike, at aagos ang tubig sa bayan. Batayan ng dami ng ulan (presipitasyon) Medyo malakas na ulan (10~20 mm sa 1 oras) Mahihirapang mag-usap dahil sa ingay ng ulan. May maiipong tubig sa iba t ibang lugar sa kalsada. Malakas na ulan (20~30 mm sa 1 oras) Napakalakas na ulan (30~50 mm sa 1 oras) Aapaw ang tubig mula sa alulod dahil sa malakas na ulan. Aapaw ang maliit na ilog at magsisimula ang kaunting pagguho ng dalisdis. Uulan na parang ibinuhos mula sa timba. Magiging parang ilog ang kalsada. Malamang mangyari ang pagguho ng dalisdis. Matinding napakalakas na ulan (50~80 mm sa 1 oras) Patuloy ang madagundong na pag-ulan na parang talon. Aapaw ang tubig mula sa manhole, at papasok ang tubig ulan sa silong at underground mall. Magkakaroon ng maraming pagbaha at sakuna ng pagguho ng lupa. Sobrang lakas na ulan (80 mm pataas sa 1 oras) Malakas na pag-ulang nakakatakot at parang ginigitgit ang pakiramdam. Ulang makakasira at makakatangay ng mga bahay, gusali at iba pa.

Ukol sa sakuna ng pagbaha Magbabago ang epekto ayon sa daanan ng bagyo Magkaiba ang lakas ng hangin at ulan kung nasa kaliwa o kanan ng daang patutunguhan ng bagyo ang lugar na tinitirhan. Kapag ipinahayag ang daanan, tingnan kung nasaang gawi ang sariling bahay. Pasaliwa ang direksyon ng hangin sa direksyon ng pagsulong Lakas ng hangin mahina Rehiyon kung saan pinakamalakas ang ulan Bagyo Rehiyon kung saan pinakamalakas ang hangin Pareho ang direksyon ng hangin sa direksyon ng pagsulong Lakas ng malakas hangin Panuto sa oras ng paglisan Mag-ingat nang husto sa paanan kapag lilikas habang baha dahil maaaring maanod sa agos ang bagay na makakasugat, o biglang lumalim ang baha. Magpaakay sa tatay at nanay ang mga bata. Makakapaglakad nang maginhawa sa rubber shoes na maaaring higpitan ang sintas (Huwag magyapak o magsuot ng botas!) Magkabit ng lubid sa katawan upang hindi magkahiwa-hiwalay. Kung hanggang baywang ang lalim ng tubig, huwag pagpilitang lumisan kundi maghintay ng saklolo sa mataas na lugar. Mga 70 cm para sa nasa edad na lalaki, at mga 60 cm para sa nasa edad na babae ang batayang lalim ng tubig na maaaring lakaran. Maaaring may mapanganib na bagay sa ilalim ng tubig, kaya t gumamit ng mahabang patpat bilang tungkod para masiguro ang kaligtasan. Mabuti rin ang maglakad nang nakakapit sa salbabida para makapaglakad nang ligtas.